Pera sa Facebook

 PERA SA FACEBOOK By: Jone Estabillo
 (Synopsis)

Natatandaan ko pa ang unang araw na pumasok ako sa isang computer shop, umupo ako sa loob ng cubicle at tumunganga ng ilang minuto, mula sa kurso kong BS Forestry, ano ang maaring mangyari sa akin ngayon at bagong semester pinili kong mag  shift sa BS Computer Science? Nakalimutan kong ni hindi ko alam kung paano i- on ang isang computer?  

 
Paano gamitin ito? Ni hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kulay asul na nag bi blink sa harapan ko,paano ko palalambutin ang mga palad ko para sumunod sa akin ng maayos ang galaw ng mouse, At mula sa bahaging ito, isang blangko at malinis na papel ang hiningi ko, kasama ng dala kong lapis para matuto, isinulat ko sa papel na yun ang unang bagay na natutunan ko.

Mahiwaga ang internet, pero walang sikreto sa loob nito na magtatago lalo na sa mata ng isang interesado. Ang cyber space ay isang bukas na espasyo. Lantad at maaring buksan para sa lahat. Ang presyo ay nakabase sa kakayahan ng gumagamit nito, 

Tuklasin ang mga nakatagong yaman sa loob ng social networking site na facebook. Isang naaibang pagaaral at pag lalakbay na maaring mag bukas ng pintuan para sa malawak na  oportunidad sa ating mga kababayang Pilipino . Hindi lamang sa aspeto ng pagpapayaman kundi sa bahaging maging makabuluhan ang bawat isa sa kapakinabangan ng social network na Facebook. 

Layunin ng librong ito na basagin ang ilang tradisyunal na estilo, mag pakilala ng ibang disiplina ukol sa ibat ibang hanapbuhay na ginagawa sa Facebook, kung ikaw ay isang ONLINE SELLER, Networker, Blogger, at Internet marketer para sayo ang librong ito.
Kung ikaw naman ay estudyante, propesyunal, tambay, small business owner makakatulong sayo ang mga impormasyon na nakapaloob sa aklat na ito. 


 Contents: Ang Librong ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon kung paano maging mahusay sa facebook marketing, mga datos at aktuwal samples guide sa mga facebook users na nais pag aralan kung paano kumita sa loob ng facebook ng LIBRE at hindi gumagastos  ni singko,  ilang mga kasanayan sa loob nito ay ang kumpletong tutorial sa blogging, mga impormasyon na makakatulong sa isang negosyo kung paano ito paunlarin, nasa loob din ng 10 chapters na ito ang ilang mga ground breaking techqniques para maka kuha  ng milyong target audience, kabilang na dito ang ilang tricks, at manual informations na ginagamit ng  mga eksperto at batikan sa online business world, ito ay sinikap kong buuin, orihinal ang lahat ng konsepto at hindi ito mga kinopya lamang sa ibang mga sources sa loob ng internet, maaasahan ng bibili sa libro na kapaki pakinabang ang bawat lamang impormasyon sa lahat ng chapters ng librong ito.

Categories: